Miyerkules, Enero 4, 2017


Buhay Balibolera

Alam niyo ba na ang "volleyball" ay pinasikat sa Pilipinas ng isang manlalaro galing sa paaralan ng Ateneo De Manila University. At siya ay naka suot ng numero dos na "jersey" na nagngangalang Alyssa Valdez. Ang larong "volleyball" ay binubuo ng anim na manlalaro at isang libero sa bawat koponan. Bawat manlalaro ay may nakatalagang tungkulin at posisyon. Ang larong ito ay hindi sa lahat ng oras kailangan palakasan sa pagpalo ng bola sapagkat dapat mo ring gamitin ang iyong  utak kung saan mo ibabagsak ang bola. 

Ito ang mga mahahalagang bagay na dapat tandaan sa paglalaro ng "volleyball".

* Dapat marunong kang humampas na lalampas sa kabilang korte.
* Dapat alam mo ang tamang posisyon sa pagsalo ng bola.
* Dapat maging alerto sa bawat laro.
* Dapat may kooperasyon ang inyung grupo.
* Kung magkakamali ang iyong kasama ay dapat wag mong sisihin bagkus palakasin mo ang kanyang loob at bumawi.
* Dapat pokus ka sa inyung laro kung meron mang bumabagabag sa iyong isipan, ipagpasintabi mo mauna ito.
* Tuwing naglalaro ay dapat na wag magpadala sa lakas ng sigaw ng mga nanunuod, dahil maaari itong makawala ng pokus sa laro.
* Dapat wag panghinaan ng loob kung kayo man ay nalalamangan na ng kabilang koponan.





1 komento: